Monday, November 23, 2009

AAGAPAY: A NEW BREED OF HOPE

Contributed by PPP-9

Our country is slowly deteriorating in terms of the moral aspects and the political and economic empowerment of the people because of the foreign values that had been integrating in our lives. These have greatly affected us and our economy as well, since it propagates a bad image for our country. With the different ideas and aspirations to solve these dilemmas, a new breed of hope was created which is called the Alalay at Gabay sa Pag-unlad ng Pamayanan (AAGAPAY).

The concept of AAGAPAY was based from the fundamental values and ethics we have adopted from our ancestors like the old tradition “Bayanihan,” family-oriented and being religious, hospitable, and kind. We should manifest each good value so that it will be endowed to the future generations.

AAGAPAY is a national organization, which aims to have a SAFE ENVIRONMENT in terms of providing protection against opportunists and security against economic crisis that will sustain the development of our country. It enables its members and their families to be spiritually molded and economically stable by discovering their skills and abilities that are interconnected to the strong foundation with the Almighty God.

AAGAPAY can be portrayed as an Organization, Ideology, and Program. It has a tri-pillar that gives power and strong pedestal to any organization, cooperative, and association it networks so that an organization or cooperative will succeed.

As an organization, it is not a Political Party that intends to run as a Party List for the coming election. It has no political agenda, as it only aspires to enhance the political and economic status of every Filipinos; that for every decisions and opinions made must be in their own will and will root for a better outcome to other people.

AAGAPAY is well-known for the ideologies or philosophies it provides. One of which is to help out its members to have a strong faith to the Almighty God, no matter what religion they belong to. It urges each and every member to become righteous, to know what is right or wrong and to anticipate that God will aid them in becoming a better person. The second ideology of AAGAPAY is to put importance on our Family considering that it is the foundation and basic unit of our society. Likewise, families are our main forces especially during difficult times. They constantly provide guidance and support to comfort us. The last ideology is to adopt the 4 M’s of AAGAPAY, MakaDiyos, Makatao, Makakalikasan, and Makabayan. These 4 M’s are the powerful shield of the organization because it envisions to have a Safe Environment for the welfare of our countrymen.

AAGAPAY, moreover, is a program that enables each member to eradicate if not to lessen the economic dilemma we are currently facing. The organization furnishes three (3) programs; Livelihood Program, Education or Skills Program and Networking Program. The Livelihood Program entails to give each member employment and other services. Through the small livelihood projects that are allied to other agencies, NGOs or GOs, members can benefit to uplift their economic status. The second program is the Education and Skills Program, wherein it helps the members to improve or develop their skills and abilities through giving seminars or trainings. Aside from improving their skills and abilities, it will also strengthen their spiritual knowledge and abilities as well through having Bible Study or Madrasah. The last program is the Networking Program that tie up with other agencies or offices to help provide the needs for conducting seminars and trainings to the members and to support the livelihood projects of each cooperative or association.

To recapitulate, Alalay at Gabay sa Pag-unlad ng Pamayanan (AAGA-PAY) helps promote peace and unity in this country by embracing its ideology and vision. If we, Filipinos, adopt the “AAGAPAY” concept with all our hearts and minds, our country will achieve a Safe and Secured Environment.

Kabataan, Pag-asa ka pa ba ng Bayan?

Makabago na ang panahon natin ngayon. Tawag nga ng iba ay High Tech (Cell Phone, Flat TV, Computer, atbp.) na henerasyon, at puro instant (instant noodles, instant coffee, atbp.). Ang mga makabagong teknolohiyang ito ay may malakas na impluwensya sa ating mga kabataan, na kadalasan ay hindi mabuti ang naidudulot sa kanila at sa atin ding kaisipan.

Katulad ng mga bagay na instant, dahil sa salitang ito, akala ng mga kabataan, lahat ng naisin nila ay madali lamang makamit ng hindi pinaghihirapan. Sa pagkain, madaling pantawid-gutom ang mga instant ngunit kulang naman sa sustansya at bitamina. Kaya maraming sakit na naglalabasan ngayon dahil sa kakulangang ito. Ang mga makabagong teknolohiya katulad ng computer, TV, at iba pa (mga bagay na malawak ang impluwensyang maipabatid sa mga tao lalo na sa kabataan ang mga pangyayari sa ating lipunan) ang nagiging daan upang madagdagan ang ating kaalaman, ngunit ito rin ang nagiging dahilan kung bakit nalilihis ang kaalaman ng ating mga kabataan sa tunay na kalagayan ng lipunan.

Ang mga impluwensiyang ito ang yumuyurak sa inosenteng kaisipan ng ating mga kabataan - ang mga kabataang maaaring maging pinuno ng ating lipunan sa mga darating na panahon. Katulad ng ipinahayag ng ating pambansang bayani na si Dr Jose Rizal na ang kabataan ang pag-asa ng ating bayan. Ngunit sa panahon ngayon, tila ang mga kabataan ang nawawalan na ng pag-asa sa bayang kanyang ginagalawan. O mas tama kayang sabihin na ang ating Bayang Pilipinas ang siya mismong nawawalan ng pag-asa sa mga kabataang kanyang kinakalinga.

Ang mga kabataan ngayon mas madalas na tumambay sa kalsada sa halip na sa kanilang tahanan o sa paaralan. Tambayan nila ang mga lansangan. Dito pakiramdam nila ay malaya sila sa pagpuna ng kanilang mga magulang. Sa lansangan naipababatid nila ang kanilang hinanakit sa lipunan sa pamamagitan ng paglahok sa mga Rally. Ngunit saan nga ba nagmumula ang kanilang problema o ang ugat ng kanilang hinaing?

Matagal nang alam ng lipunan na ang ugat ng problema ng kabataan ay nagmumula sa pamilya. Mas madalas kinukulang ang mga magulang ng pansin para sa kanilang mga anak, o ang pagkakahiwalay ng mag-asawa ay isa ring nakasisira sa moralidad ng kabataan. Ang iba ay nauudyukan lamang ng kaibigang may pansariling suliranin, ninanais nitong damayan siya ng iba o ng kabarkada. Kung minsan, dahil sa kakulangang-materyal ng magulang sa kanyang mga anak, nakapagdudulot ito ng suliranin sa mga kabataan na madaling mainggit sa kanyang kapwa-kabataan. Kahit alam naman ng anak na hindi kayang ibigay ang kanyang luho sa mga materyal na bagay, sinisisi nito ang magulang sa kanyang kakulangan.

Ngunit higit na nakapagdudulot ng suliraning panlipunan ang kakulangan ng edukasyon sa mga magulang. Sa mga higit na hikahos na pamilya, inaakala nila na basta nailuwal na nila sa mundong ito ang kanilang anak ay tapos na ang kanilang pananagutan. Dahil sinisisi nila ang kanilang kahirapan, di sila nagsisikap na mapag-aral ang kanilang mga anak. Sapat na sa kanila ang makakain lamang sa isang araw. Iniaasa na lang nila sa ibang tao ang kinabukasan ng kanilang mga supling. Diskriminasyon din ang itinuturong sanhi ng problema ng mga kabataan. Dahil sa hindi pantay-pantay na pagtingin ng lipunan sa mga tao katulad ng mayaman at mahirap, bakla at tomboy, ng lalaki at babae. Nakapagdudulot ng di pagkakauna-waan sa lipunan ang maling pakikitungo sa kapwa.

Dahil sa mga ganitong suliranin, madaling maudyukan ang kabataan. Madali silang mahikayat sa masamang bisyo tulad ng ipinagbabawal na gamot. Madali rin silang mahikayat na sumama sa mga rallies.

Nalilihis na nga ba ang kabataan ngayon? Ang mga kabataan ay sumasama sa mga rallies dahil sa udyok ng mga taong nais lamang makakuha ng pagpanig sa kanila. Naniniwala kasi sila sa mga panuntunang sinabi ng ating Pambansang Bayani, ngunit niyuyurakan naman nila ang kaisipan ng mga kabataan.

Leksyon ni “Ondoy”

Malupit na pagsubok ang dulot ng paghagupit ng bagyong Ondoy nitong nagdaang Sabado. Iba’t-ibang larawan ng paghihinagpis at takot ang kinahantungan ng bawat buhay na na-ging biktima ng kalamidad. Nakapanlulumo ang mga iyak at sigaw ng paghingi ng saklolo ng ating mga kababayan.

Nang matapos ang kalamidad, makikita pa rin sa ating kapaligiran ang mga bakas ng pinagdaanang pagsubok. Nagmistulang ghost town ang ilang lugar dahil natabunan ng basura ang mga nasirang ari-arian at may umaalingasaw pang amoy. Kaawa-awa ang ating mga kababayan habang binabalikan ang kanilang tahanang puno ng putik at ang mga ipinundar na ari-arian na hindi na mapapakinabangan. Ngunit higit na masaklap ay ang mga nawalang buhay.

Wala nga naman pinipili ang kalamidad, mayaman man o mahirap, mga kilalang tao man o simpleng nilalang ay kapwa naging biktima. Ang mga kababayan nating nagpamalas ng pambihirang pagmamalasakit sa kapwa ay nakapagdulot ng pag-asa. Maging ang kasundaluhan ay agarang naghatid ng tulong sa pagsagip sa ating mga kababayan. Buong bansa na nga ang nakiisa sa pagnanais na makatulong sa mga nasalanta ng bagyo at maging ang ibang bansa ay nagpahatid na ng tulong at pakikiramay.

Isipin natin na isa itong malaking aral mula sa Panginoon kung paano tayo dapat mabuhay. Hindi ba’t may kasabihang, “Ang basurang itinapon mo ay babalik sa iyo.” Dahil sa mapangahas na pagkalbo sa mga kabundukan, pagtatayo ng mga bahay sa tabi ng daanan ng tubig, at walang pakundangang pagtatapon ng basura, ibinalik sa atin ng bagyong Ondoy ang masamang epekto ng mga ito sa ating kalikasan. Marapat lamang na matutunan nating respetuhin ang ating kalikasan, ito ang bumubuhay sa atin kung kaya’t pa-ngalagaan natin ito.

Bilang bahagi ng Adbokasya ng AAGAPAY, isinusulong din nito ang tamang pangangalaga sa kalikasan. Hindi lang pagbibigay kaalaman sa kabuhayan ng ating mamamayan ang dapat nating ipamahagi. Naniniwala ang AAGAPAY sa kaugaliang Bayanihan ng mga Pilipino. Sa kabila kasi ng mga problema, maaasahan ang Pinoy sa pagtulong sa kapwa para muli itong makabangon sa kinasadlakang dulot ng bagyo. Ngunit higit tayong dapat na magbayanihan upang muling ibalik ang sigla ng kalikasan at dapat nating higit na mahalin at pangalagaan ang kalikasang nilikha ng Diyos para sa atin.

Panawagan ni Inang Kalikasan

Napakarami ng kalamidad ang dumaan sa ating bansa. Sinasabing ang Pilipinas ay paboritong daanan ng mga bagyo dahil na rin sa kinalalagyan nito sa mundo, na ang Pilipinas ay napalilibutan ng tubig. Ang mga bagyong katulad ng dumaang si Ondoy at Pepeng o ang iba pang mga kalamidad na nanalasa sa ating bansa ay gawa nga ng kalikasan, ngunit ang naging epekto nito sa buhay at ari-arian ay maisisisi ba natin kay Inang-Kalikasan? Ilang ulit na ba tayong pinaalalahanan sa panganga-laga ng kalikasan? Kailangan bang paulit-ulit tayong magdusa sa pagkawala ng ating mga mahal sa buhay dahil sa paghagupit ng bagyo? Kailan ba tayo magigising at matututo?

Nakalulungkot man ang mga nangyari subalit ito ang katotohanan, lahat tayo ay may pananagutan. Ayon sa mga dalubhasa, ang dami ng ulan na dala ni Ondoy at ang pagbalik ng bagyong Pepeng ay sanhi ng pagbabago ng klima o mas kilala sa tawag na Global Warming. Maraming pag-aaral tungkol dito at napatunayan na epekto ito ng pang-aabuso ng tao sa kalikasan. Patuloy ang pagpapalaganap ng iba’t-ibang mga samahan upang ipabatid sa lahat ng tao ang kahalagahan ng ating kalikasan na siyang bumubuhay sa lahat ng nilalang. Katulad ng AAGAPAY na ang adhikain ay mai-angat ang pamumuhay ng ating mga kababayan. Bahagi ng Adbokasya nito ang Pag-ibig sa Diyos, na dapat ang bawat nilalang ay umalinsunod sa Kanyang Banal na Utos. Kung kaya’t nararapat lamang na ang lahat ng Kanyang nilikha ay ating pangalagaan. Ang buhay ng tao ay mahalaga gayun din ang ating kalikasan dahil ito ang inihabilin ng Diyos sa atin. Sinasabing superyor ang tao sa lahat ng may buhay sa mundo, ngunit ito ay may kaakibat na pananagutan na dapat pahalagahan ng tao - ang lahat ng may buhay sa mundo na galing sa mapagpalang- kamay ng Diyos.

Ano na ba ang nagawa natin sa mga nilikha ng Diyos? Masyadong naging ambisyoso ang tao, naging materyoso na tayo, hinangad nating pagandahin ang kapaligiran gamit ang mga makabagong teknolohiya, at nagpapakadalubhasa tayo sa pagpapa-unlad ng ating bayan. Ngunit ang kapalit ng lahat ng ito ay ang pagdungis at pagkasira ng ating kalikasan. Ang mga kabundukan na dapat ay sumasangga sa mga bagyo upang maprotektahan ang mga nasa kapatagan, ngayon ay pinatag ng mga naggagandahang golf courses at mga itinayong subdivisions. Ang mga nagsisiksikang puno sa kabundukan na dapat sana ay tumutulong sa pagpigil ng pagdaloy ng sobrang tubig na dala ng bagyo, ngayon ay mabibilang na lang, na kung minsan pa ay rumaragasa sa pagsalanta ng ari-arian at buhay tulad ng nang-yari sa Quezon. Ang mga naglalakihang gusali sa gilid ng kabundukan na nagbibigay sa atin ng kahulugan ng maunlad na lipunan (dahil sa magandang tanawin na para bang sakop mo ang lahat ng iyong matatanaw kung ikaw ay nasa itaas), na sa oras na gumalaw ang lupa ay nakakahabag isiping mataas din ang kababagsakan. Ang mga ilog, batis, sapa, at estero na dinadaluyan ng tubig mula sa kabundukan, ngayon ay kung hindi barado dahil sa basura ay natabunan na ng mga kabahayan, kung minsan pa nga ay hindi mo na makikita ang mga ito sa mapa. Kaawa-awa talaga si Inang-Kalikasan dahil sa walang pakundangang pag-alipusta sa kanya. Ngunit higit tayong dapat maawa sa ating mga sarili dahil sa ating maling gawain na bumabalik din sa atin. Ang lahat ng bagay na ating gagawin ay may kapalit. Kung kabutihan ang ating ginawa, kabutihan din ang ibabalik sa atin, ngunit kung masamang bagay ang ating gagawin ay masaklap at kahindik-hindik ang ibabalik sa atin nito.

Hindi pa nga tayo nakakabangon sa pagsalanta ng bagyong Ondoy heto na naman si Pepeng, at tila may parating pa. Matapos ang pagsalanta ng mga ito, nakapanlulumong pagmasdan ang kapaligiran dahil sa mga tambak ng basura at mga nasirang ari-arian. Maitatanong mo sa iyong sarili kung paano tayo magsisimulang muli? Mahirap nga naman linisin ang lahat ng kalat, masyadong mabigat na responsibilidad lalo na kung iaasa lang natin sa pamahalaan. Pero makakaya natin ang bumangon muli mula sa pagkalugmok. Simulan natin ito sa ating sariling tahanan dahil lahat naman ng bagay ay nagsisimula sa maliit. Magdasal tayo na sana kaawaan ng Diyos ang ating bayan. Kasabay nito ay magsumikap tayong ibalik ang kasiglahan ng ating kalikasan - pangalagaan natin ito.

Napakarami ng kalamidad ang dumaan sa ating bansa. Sinasabing ang Pilipinas ay paboritong daanan ng mga bagyo dahil na rin sa kinalalagyan nito sa mundo, na ang Pilipinas ay napalilibutan ng tubig. Ang mga bagyong katulad ng dumaang si Ondoy at Pepeng o ang iba pang mga kalamidad na nanalasa sa ating bansa ay gawa nga ng kalikasan, ngunit ang naging epekto nito sa buhay at ari-arian ay maisisisi ba natin kay Inang-Kalikasan? Ilang ulit na ba tayong pinaalalahanan sa panganga-laga ng kalikasan? Kailangan bang paulit-ulit tayong magdusa sa pagkawala ng ating mga mahal sa buhay dahil sa paghagupit ng bagyo? Kailan ba tayo magigising at matututo?

Nakalulungkot man ang mga nangyari subalit ito ang katotohanan, lahat tayo ay may pananagutan. Ayon sa mga dalubhasa, ang dami ng ulan na dala ni Ondoy at ang pagbalik ng bagyong Pepeng ay sanhi ng pagbabago ng klima o mas kilala sa tawag na Global Warming. Maraming pag-aaral tungkol dito at napatunayan na epekto ito ng pang-aabuso ng tao sa kalikasan. Patuloy ang pagpapalaganap ng iba’t-ibang mga samahan upang ipabatid sa lahat ng tao ang kahalagahan ng ating kalikasan na siyang bumubuhay sa lahat ng nilalang. Katulad ng AAGAPAY na ang adhikain ay mai-angat ang pamumuhay ng ating mga kababayan. Bahagi ng Adbokasya nito ang Pag-ibig sa Diyos, na dapat ang bawat nilalang ay umalinsunod sa Kanyang Banal na Utos. Kung kaya’t nararapat lamang na ang lahat ng Kanyang nilikha ay ating pangalagaan. Ang buhay ng tao ay mahalaga gayun din ang ating kalikasan dahil ito ang inihabilin ng Diyos sa atin. Sinasabing superyor ang tao sa lahat ng may buhay sa mundo, ngunit ito ay may kaakibat na pananagutan na dapat pahalagahan ng tao - ang lahat ng may buhay sa mundo na galing sa mapagpalang-kamay ng Diyos.

Ano na ba ang nagawa natin sa mga nilikha ng Diyos? Masyadong naging ambisyoso ang tao, naging materyoso na tayo, hinangad nating pagandahin ang kapaligiran gamit ang mga makabagong teknolohiya, at nagpapakadalubhasa tayo sa pagpapaunlad ng ating bayan. Ngunit ang kapalit ng lahat ng ito ay ang pagdungis at pagkasira ng ating kalikasan. Ang mga kabundukan na dapat ay sumasangga sa mga bagyo upang maprotektahan ang mga nasa kapatagan, ngayon ay pinatag ng mga naggagandahang golf courses at mga itinayong subdivisions. Ang mga nagsisiksikang puno sa kabundukan na dapat sana ay tumutulong sa pagpigil ng pagdaloy ng sobrang tubig na dala ng bagyo, ngayon ay mabibilang na lang, na kung minsan pa ay rumaragasa sa pagsalanta ng ari-arian at buhay tulad ng nangyari sa Quezon. Ang mga naglalakihang gusali sa gilid ng kabundukan na nagbibigay sa atin ng kahulugan ng maunlad na lipunan (dahil sa magandang tanawin na para bang sakop mo ang lahat ng iyong matatanaw kung ikaw ay nasa itaas), na sa oras na gumalaw ang lupa ay nakakahabag isiping mataas din ang kababagsakan. Ang mga ilog, batis, sapa, at estero na dinadaluyan ng tubig mula sa kabundukan, ngayon ay kung hindi barado dahil sa basura ay natabunan na ng mga kabahayan, kung minsan pa nga ay hindi mo na makikita ang mga ito sa mapa. Kaawa-awa talaga si Inang-Kalikasan dahil sa walang pakundangang pag-alipusta sa kanya. Ngunit higit tayong dapat maawa sa ating mga sarili dahil sa ating maling gawain na bumabalik din sa atin. Ang lahat ng bagay na ating gagawin ay may kapalit. Kung kabutihan ang ating ginawa, kabutihan din ang ibabalik sa atin, ngunit kung masamang bagay ang ating gagawin ay masaklap at kahindik-hindik ang ibabalik sa atin nito.

Hindi pa nga tayo nakakabangon sa pagsalanta ng bagyong Ondoy heto na naman si Pepeng, at tila may parating pa. Matapos ang pagsalanta ng mga ito, nakapanlulumong pagmasdan ang kapaligiran dahil sa mga tambak ng basura at mga nasirang ari-arian. Maitatanong mo sa iyong sarili kung paano tayo magsisimulang muli? Mahirap nga naman linisin ang lahat ng kalat, masyadong mabigat na responsibilidad lalo na kung iaasa lang natin sa pamahalaan. Pero makakaya natin ang bumangon muli mula sa pagkalugmok. Simulan natin ito sa ating sariling tahanan dahil lahat naman ng bagay ay nagsisimula sa maliit. Magdasal tayo na sana kaawaan ng Diyos ang ating bayan. Kasabay nito ay magsumikap tayong ibalik ang kasiglahan ng ating kalikasan - pangalagaan natin ito.

Indibiduwalismo: Anay ng Pamilyang Pilipino

Contributed by PPP-19

Sa pag-unlad ng isang bansa, hindi maikakailang malaki ang kontribusyon ng makabagong teknolohiya rito. Pinadadali ng mga makabagong kagamitan ang mga gawaing dati ay nangangailangan ng mahabang oras. Dala rin ng sumusulong na teknolohiya ang mga makabagong mapaglilibangan na madaling makahumalingan lalong-lalo na ng mga kabataan. Ang mga ito ay maituturing na educational at addictive rin. Kabilang sa mga ito ay playstations, psp, Nintendo dual screen, at ang source ng iba’t-ibang interactive games - ang internet.

Sa simula, natutuwa ang mga magulang sa pag-aakalang nabibigyan nila ng kasiyahan at nailalayo sa masamang bis-yo ang kanilang mga anak sa pamama-gitan ng pagbili ng mga naturang libangan. Ngunit sa malaon, ito ang nagdudulot ng isang mas masamang impluwensya ng indibiduwalismo. Ito ang yugto na sila ay nagiging self-reliant, independent, at nagkakaroon ng false self-confidence. Ito rin ang naglalayo sa kanila sa reyalidad ng buhay maging sa kanilang mga kapamilya at kasambahay. Nagiging sarado na ang kanilang isipan sa mga payo at paalala ng kanilang mga magulang, mga nakatatandang kapatid, at mga kamag-anakan. Umiiral na sa kanila ang banyagang kaugalian at paniniwala na nakikita at natutunan nila sa mga nabanggit na libangan. Sa pagkalulong sa mga libangang ito, napapabayaan nila ang kanilang pag-aaral at maging ang baong salapi sa paaralan ay nauubos dito.

Ang mga ito ay sanhi ng indibiduwalismo na salungat sa ating nakagisnang matibay na bukluran ng Pamilyang Pilipino. Sanay ang Pamilyang Pilipino na nagsasalo-salo sa hapag-kainan at nag-uusap-usap. Sanay tayo ng sama-samang nagsisimba at namamasyal kapag araw ng Linggo. Kung hahayaan nating mga magulang na mamayani ang indibiduwalismo sa ating mga anak, ito’y magsisilbing anay na sisira sa ating pamilya. Subalit madaling maagapan ang pagkalat nito sa pamamagitan ng madalas na family bonding activities. Dalasan rin natin ang ating pakikipagtalastasan sa ating mga anak. Ipaunawa natin sa kanila ng maaga ang masamang naidudulot ng makabagong teknolohiya kung hindi magagamit sa tamang paraan. Ipamulat natin sa kanila ang kahalagahan ng isang matibay at masayang Pamilyang Pilipino. Simulan natin ang pagbabago sa loob muna ng ating tahanan, patungo sa pamayanan.

AAGAPAY Golf Tournament, ginanap

Noong ika-23 ng Oktubre 2009, ginanap ang AAGAPAY Para sa Kinabukasan Invitational Golf Tournament sa Villamor Airbase Golf Club. Ang nasabing gawain ay para makalikom ng pondo para sa pagtatag ng AAGAPAY Foundation Inc. upang higit na mapalaganap ang adbokasiya ng AAGAPAY. Isang daan at labing-walo (118) kataong sumusuporta sa AAGAPAY mula sa iba't ibang organisasyon ang naglaro sa nasabing tournament.

5th JERICHO CUP SHOOT FEST 2009

Noong ika-19 at 20 ng Setyembre 2009, ginanap ang Shoot Fest ng Pansamantalang Pamunuang Pangrehiyon-19 (PPP-19) sa Firing Range ng Pansamantalang Pamunuang Pangrehiyon-15 (PPP-15) na dinaluhan ng mga kapanalig ng PPP 19.

Dahil dito, maraming naidulot na kapaki-pakinabang na benepisyo para sa mga lumahok lalung-lalo na sa mga kasapi ng kanilang pamunuan katulad ng karagdagang malawakang pagsasanay tungkol sa wastong paggamit ng baril at pagpuksa sa pangunahing kalaban o target. Higit sa lahat, makadaragdag ang kinita nito (na mula sa nalikom na napagbentahan ng tiket at bala) sa pondo ng kanilang itinatag na kooperatiba.

1M pondo para sa kooperatiba ng PPP 7

Noong ika-27 ng Agosto 2009, ang Pansamantalang Pamunuang Pangrehiyon-7 (PPP-7) ay nakipag-ugnayan sa mga kinatawan ng Departamento ng Agrikultura (DA) sa katauhan nina G. Arturo OsmeƱa at G. Roy Imperial, at dito ay napagkasunduan at kanilang nilagdaan ang pagpapalabas ng pondo na nagkakahalaga ng Isang Milyong Piso (P 1M) para sa labing-anim na kooperatibang itinatag ng PPP-7 sa Bohol.

6,800 semilya ng sugpo, pinakawalan sa Quezon

Noong ika-16 ng Setyembre 2009, inatasan ng Pamunuan ng Quezon – South si G. Merdade Buenvinida, isa sa mga nakatalaga bilang tagapangasiwa ng proyektong pangkabuhayan, upang dalhin ang 6,800 na pirasong semilya ng wild sugpo mula Brgy. Poctol papuntang palaisdaan sa Brgy. Pacatin Ilaya, Bayan ng Pitogo. Pagkatapos dumaan sa tamang proseso, pinakawalan ang sugpo ni G. Merdade at G. Noel Dalde sa isang pitak ng palaisdaan kasama ang naunang 10,000 piraso ng bangus. Sabay na aanihin ang sugpo at bangus sa darating na Disyembre 2009.

Taniman ng Kabute sa PPP-2

Noong ika-2 ng Setyembre 2009, ang mga kasapi ng Pansamantalang Pamunuang Pangrehiyon-2 (PPP-2) ay muling nagsagawa ng pagbabago sa taniman ng kabute ayon sa ginanap na inspeksyon ng DOST na pinamunuaan nina Ka Clyde Beth Bumatay at Ka Carolyn Lagaso. Muli ay isinaayos ang mga taniman.

Noong ika-4 ng Setyembre 2009, ang mga kasapi ay muling binisita nina Ka Clyde Beth Bumatay at Ka Carolyn Lagaso ng pamunuan ng DOST, RO2 upang inspeksyunin kung naisagawa na ang mga naiturong pagbabago/pagsasa-ayos sa taniman ng Kabute.

Pag-aangkat ng Niyog at Buko

Noong ika-8 ng Setyembre 2009, ang Pansamantalang Pamunuang Pangrehiyon-3 (PPP-3) ay nagsagawa ng kasanayan hinggil sa ”Pag-aangkat ng Niyog at Buko” sa Baler, Aurora. Ito ay dinaluhan ng labing-siyam (19) na kapanalig. Si Ka Susan Gutierrez naman ay nagbahagi din ng kanyang kaalaman tungkol sa ”Duck Raising” ng sumunod na araw, at ito ay dinaluhan ng dalawamput-isang (21) kapanalig.

Samantala, ang pamunuan ng Tarlac ay nagsagawa ng paglalagay ng 20 kilo ng abono at 10 sako ng dumi ng manok para sa pagpapalumot ng palaisdaaan sa Brgy Vargas, Sta Ignacia, Tarlac. Noon namang ika-16 ng Setyembre 2009, ang Pamunuan ng Bataan ay nagsaayos ng palaisdaan ng tilapya sa Brgy. Ala-uli, Pilar, Bataan. Sa Pamunuan ng Bulacan ay muli nilang nilinis ang 1,000 metro kuadradong lupain sa San Mateo, Norzagaray, Bulacan upang taniman ng kamoteng-kahoy, sitaw, at talong. Magsasagawa naman ang Pamunuan ng Pampanga ng rehabilitasyon ng isang hektaryang palaisdaan sa Brgy Ala-uli, Masantol, Pampanga, at nagpaplano rin sila na magbukas ng isang “Botikang Baranggay” at gasolinahan sa mga darating na araw.

Palaisdaan sa Quezon

Noong ika-16 ng Setyembre 2009, inatasan ng Pamunuan ng Quezon – South si G. Merdade Buenvinida, isa sa mga nakatalaga bilang tagapangasiwa ng proyektong pangkabuhayan, upang dalhin ang 6,800 na pirasong semilya ng wild sugpo mula Brgy. Poctol papuntang palaisdaan sa Brgy. Pacatin Ilaya, Bayan ng Pitogo. Pagkatapos dumaan sa tamang proseso, pinakawalan ang sugpo ni G. Merdade at G. Noel Dalde sa isang pitak ng palaisdaan kasama ang naunang 10,000 piraso ng bangus. Sabay na aanihin ang sugpo at bangus sa darating na Disyembre 2009.

Gulayan sa Quezon - North

Kinausap ng Punong Kadre ng Quezon – North ang kanyang mga kadre na sina Ka Russel Roales, Ka Rolando Galeon, at Ka Claro Agnes tungkol sa kalagayan ng kanilang kabuhayan—ang gulayan at ang planong pagbababuyan sa Bgy Pili, Sariaya, Quezon. Ang kanilang mga binhing punla ay itinanim noong Sabado, ika-19 ng Setyembre 2009.

AAGAPAY-GL itinayo

Naumpisahan nang itayo ng Pamunuan ang kooperatiba na kinabibilangan ng mga kasapi, kapanalig, at retiradong nakatalaga sa himpilan nito sa Camp Aquino, San Miguel, Tarlac City. Ang pangalan ng itinatayong kooperatiba ay AAGAPAY-GL Marketing Cooperative. Ang pambungad na negosyo nito ay ang pagbebenta ng produktong peanut butter, doormats, at potholders na gawa ng mga kababaihan sa Brgy. Sibul, San Miguel, Bulacan, sa pangangasiwa ng KAAGAPAY Multi-Purpose Cooperative. Inaasahang susulong ang marketing cooperative na ito dahil sa ang mga produktong ibinebenta ay subok ng masarap at mayroon na ring captured market lalo na sa produktong peanut butter. Naisumite na rin nila ang mga papeles na kinakailangan para sa pagpaparehistro tulad ng Articles of Cooperation, Economic Survey, By-Laws, at Bond of Accountable Officers, at nagkaroon na rin sila ng mga opisyales noong ika-28 ng Setyembre taong kasalukuyan. Ang bilang ng kasapi ay limampu (50) na may Seed Capital na sampung libong piso (P10,000.00).

Adbokasya ng AAGAPAY, laganap sa buong kapuluan






Laguna

Noong ika-4 ng Setyembre 2009, sa pangunguna ni Ka Hernando Siscar, ang kaniyang grupo ay nagsagawa ng pagtuturo tungkol sa Adbokasya at Pananaw ng AAGAPAY sa Mataas na Paaralan ng Pleasant Mount sa Summerville Subdivision, Antipolo City na dinaluhan ng isandaan at walumpu’t limang mag-aaral (185).

Noon namang ika-5 ng Setyembre 2009, ganap na ika-2 ng hapon, ay nagturo rin siya ng Ideolohiya at Adbokasya ng AAGAPAY sa Brgy Balinacon, Nagcarlan, Laguna na dinaluhan ng dalawampu’t walong (28) opisya-les ng baranggay sa pamumuno ni G. Hilario Molino Jr na nagbigay din ng welcome remarks.

Mt Province

Sa pangunguna ni Ka Bomowey ng Pansamatalang Pamunuang Pangrehiyon-1 (PPP-1) ay nakipag-ugnayan sa mga kasapi ng INMAPU o Indigenous Mountaineers Advocating for Peace and Unit sa Bgy Sinto, Bauko, Mt Province upang ilahad ang Ideolohiya at Adbokasya ng AAGAPAY. Sa nasabing pulong na naging bukas sa talakayan, ay nagtanong ang mga miyembro ng INMAPU kung may maibibigay bang pera ang AAGAPAY para sa mga proyekto ng kanilang organisasyon at mga kasapi nito. Ipinabatid naman ni Ka Bomowey sa mga nagsipagdalo na walang perang maibibigay ang AAGAPAY subalit makakatulong ito upang ilapit sila sa mga ahensiya ng gobyerno na makakapagbigay ng tamang proyekto at suportang pinansyal sa kanila. Malugod naman itong tinanggap ng mga INMAPU at umaasa na sa mga susunod nilang pulong malawak na mailalahad ang mga adhikain ng AAGAPAY.

Cebu

Noong ika-29 ng Agosto taong kasalukuyan, ang PPP-7 ay nagpalaganap ng Adbokasya sa Simala Multi Purpose Hall, Brgy. Simala, Sibonga, Cebu. Ito ay nilahukan ng apatnapung (40) katao na nagmula sa Una at Ikalawang Distrito ng Cebu. Ang mga lumahok ay magsisilbing kapanalig. Ang Pamunuan ng Negros Oriental/Siquijor ay nagsagawa din ng AAGAPAY Advocacy na ginanap sa Multi–Purpose Hall, Sitio Dap-dap, Brgy Pob-lacion, Siquijor, Siquijor. Ang aktibidad ay nilahukan ng 45-kapanalig. Ang pagpupulong ay nagsilbing daan din para sa pagkakaroon ng halalan ng kanilang magiging mga pinuno.

Cagayan

Noong ika-29 ng Agosto 2009, ang Pansamantalang Pamunuang Pangrehiyon-2 (PPP-2) at Pamunuan ng Cagayan ay nagsagawa ng pagpupulong sa mga kapanalig sa Cagayan na ginanap sa Bayan ng Ballesteros para sa Adbokasya ng AAGAPAY na dinaluhan ng tatlumpung (30) katao. At dito naganap ang botohan ng mga pinuno para sa Sona 1 at 2 ng Probinsya ng Cagayan.

Noon namang ika-31 ng Agosto 2009, ang Pansamantalang Pamunuang Pangrehiyon-2 at lahat ng Pamunuang Panlalawigan ay nagsagawa ng kasanayan tungkol sa ”Work Attitude at Values Enhancement” sa pangunguna ng naanyayahang tagapagsalita na si Ka Marirose B Sibayan. Ang nasabing pagsasanay ay nag-umpisa noong ika-31 ng Agosto 2009 at nagtapos noong ika-1 ng Setyembre 2009. Ito ay isinagawa upang magkaroon ng pag-aaral ang bawat isa at magkaroon ng pansariling pagtatasa tungkol sa kanilang asal pagdating sa kani-kanilang gawain at kung ito ba ay patungo sa pagsasakatuparan ng bawat gawain na naiatang sa kanila.

Samantala, noong ika-14 ng Setyembre 2009, ang Pansamantalang Pamunuang Pangrehiyon-2 (PPP-2) ay nagturo ng Adbokasya sa mga ROTC Cadets. Ito ay dinaluhan ng tatlong daan at tatlumpu’t tatlong (333) kadete ng pinagsamang pamantasan sa lalawigan ng Cagayan na binubuo ng Cagayan State University (CSU) at Medical Colleges of Northern Philippine-International School of Asia and the Pacific (MCNP-ISAP) na pawang nasa Tuguegarao City sa ilalim ng kandili ng 2nd RCDG, 5ID, PA na nakabase sa CSU.

La Union

Ang Pansamantalang Pamunuan Pangrehiyon-1 (PPP-1) ay nagbigay ng panayam sa pitong katao ng Bgy Sagayad, San Fernando City, La Union tungkol sa Ideolohiya, Pananaw at Adbokasya ng AAGAPAY. Ito ay bilang bahagi ng kanilang pakikipag-ugnayan. Sa nasabing pulong ay ipinaliwanag ang kahalagahan ng tatlong haligi ng AAGAPAY.

Samantala, noong ika-18 ng Setyembre 2009, ay pinangunahan ni Ka Philip Jose Paja ang pagtitipon ng mga kasapi ng Pansamantalang Pamunuang Pangrehiyon-1 (PPP-1). Ang nasabing pagtitipon ay sinimulan sa pamamagitan ng pagbabasa at pagpapaliwanag ng talata mula sa Bibliya ni Ka Ernesto Molina. Nagkaroon din ng pag-aaral tungkol sa pinagmulan ng AAGAPAY.

Sa ganap na ika-1 ng hapon ay ipinagpatuloy ni Ka Boado at Ka Nidoy ang pagbibigay ng aral tungkol sa AAGAPAY sa 8 kapanalig at kay G. Christopher Victoriano sa Barangay Barrientos, Luna, La Union. Tinalakay din ang kaibahan ng Komunista at AAGAPAY para mas maunawaan ng mga kapanalig.

Noon namang ika-19 ng Setyembre 2009, ay nagturo si Ka Ruben sa may 35 kasapi ng Pamunuan ng Baguio. Tinalakay sa nasabing pagtuturo ang Ideolohiya ng AAGAPAY at ang pinagkaiba nito sa Komunista na nilalabanan ng ating pamahalaan sa loob ng 40 taon.

Pampanga

Noong ika-1 ng Setyembre 2009 sa ganap na ika-10 ng umaga, bilang bahagi ng “Immersion sa Brgy,” ang grupo ng Kadre Course Class 3 sa pangunguna ni Ka Magallanes at Ka Cabusas, kasama ang Pamunuan ng Probinsya sa Pampanga ay naglapat ng mga simulain at mithiin ng AAGAPAY sa grupo ng PAAD (Porac Aetas Ancestral Domain Federation) na ginanap sa Macapagal Village, Mabalacat, Pampanga. Ito ay dinaluhan ng dalawamput-pitong (27) chieftains/Brgy Captains at mga opisyales ng baranggay ng komunidad ng mga Ita sa bayan ng Porac na pinangunahan naman ng kanilang Chairman na si Ka Roman King at V-Chairman Pastor Benny Capuno.

Rizal

Noong ika-8 ng Setyembre 2009, ang Pansamantalang Pamunuang Pangrehiyon-18 (PPP-18) ay nagturo ng Adbokasya ng AAGAPAY sa Brgy. Darangan, Binangonan Rizal sa pamumuno ni Ka Jeff Tabangcora sa harap ng 11 kasapi ng Mabuhay Cooperative.

Samantala, noong ika-22 ng Setyembre 2009, Si Ka Jaime Dela Cruz ay nakipag-ugnayan kay Brgy. Kapitan Longino Del Mundo ng Brgy. Darangan, Binangonan, Rizal. Kasabay nito ay tinalakay ni Ka Jaime kay Brgy. Kapitan Del Mundo ang tungkol sa Adbokasya at mga gawain ng AAGAPAY na nagustuhan naman ng nasabing kapitan. Nang sumunod na araw ay nakipag-ugnayan naman siya kay Municipal Councilor Ruben Magdalena at SK Chairman John Bernard Magdalena ng nasabi ding lugar. Si Ka Jaime ay nagsagawa ng pagtatalakay tungkol sa mga gawaing AAGAPAY kay Konsehal Magdalena at anak nito na kanila namang nagustuhan.

Agusan del Norte

Nagsagawa ng Adbokasya ng AAGAPAY si Engineer ng Pansamantalang Pamunuang Pangrehiyon-16 (PPP-16) sa mga Datu ng Tribong HIGAO-ONON sa Brgy Kinamaybay, Las Nieves, Agusan del Norte noong ika-7 ng Setyembre 2009. Ito ay magsisilbing-daan para ang mga katutubo ay matulungan sa pagtatatag ng sarili nilang pangkabuhayan.

Ilocos Sur

Noong ika-12 ng Setyembre 2009, ang mga kasapi ng 53rd MICO, 5th MIB, at 5ID ay tinipon para malapatan ng Adbokasya ng AAGAPAY. Ito ay naganap sa Camp Quirino, Bulag, Ilocos Sur. Ang nasabing pagsasanay ay dinaluhan ng dalawampung (20) kasapi ng nasabing sangay. Ito ay pinangunahan nina Ka Franco Garduque at Ka Aquino.

Ifugao

Noong ika-5 ng Setyembre 2009, sa ganap na ika-8 ng umaga, ang mga kadre ng Pamunuan ng Isabela at mga kapanalig ng Ifugao sa pangunguna ni G. Michael Aniban ay nagsagawa ng pag-aaral o pagsusuri sa pamayanan sa Brgy Regimental, Lamut, Ifugao upang muling mabuo at maalyansahan ang progresibong grupo sa naturang barangay at upang matulungan ang mga ito sa pagtatayo ng kooperatiba at muli ay mapulong para sa Adbokasya ng AAGAPAY.

ParaƱaque

Noong ika-12 ng Setyembre 2009, ang mga Kadre na nagmula sa Komisyon sa Kasanayan ay nagturo ng Adbokasya sa mga Barangay Tanod at mga Tricycle Drivers sa San Isidro, United ParaƱaque Subdivision, Sucat, ParaƱaque City sa pangunguna ni Ka Eusebio Japlos, ang Punong Barangay, at ng mga kagawad ng nasabing lugar.

Samantala, noong ika-19 ng Setyembre 2009, ang Pansamantalang Pamunuang Pangrehiyon-17 (PPP-17) ay nagsagawa ng Adbokasyang panlabas sa lugar ng Moonwalk Phase 2, Las Pinas, Paranaque City. Ito ay dinaluhan ng may tatlumpung (30) katao, at ayon sa kanila ay maganda ang naging pagtanggap sa AAGAPAY ng mga tagapakinig. Nang araw ding iyon ay nagsagawa ng “fellowship” ang mga grupo ng Seafarers, isa sa mga organisadong grupo ng PPP-17. Ito ay dinaluhan ng may dalawampung (20) katao na ginanap sa kanilang pamunuan.

Iligan City

Noong ika-15 ng Setyembre 2009, ang Pamunuan ng Cagayan de Oro City ay nagsagawa ng Adbokasya sa grupo ni Brgy. Chairman Pablito Abragan ng Del Carmen, Iligan City na dinaluhan ng limang (5) katao sa naturang Barangay Hall. Ito ay pinangunahan ni Ka Tarife at ni Ka Ocutare.

Bukidnon

Noong ika-16 ng Setyembre 2009, ang Pamunuan ng Bukidnon sa pangunguna ni Ka Manny at ni Ka Digay ay nagsagawa ng Adbokasya sa mga miyembro ng KABANAY sa PAGTINABANGAY (New Life Ministry Foundation Inc) na idinaos sa Polinar Village, Hagkol, Valencia City, Bukidnon, kasabay sa pagsaganap ng ika-14 na anibersaryo ng pagkakatatag sa naturang grupo. Ito ay dinaluhan nang humigit kumulang limang libong kasapi.

Masbate

Ipinalaganap na ang Adbokasya at Ideolohiya ng AAGAPAY at Kagandahang-Asal sa pangunguna nina Ka Kid, Ka Ferdie, Ka Britz ng Pansamantalang Pamunuan ng Masbate sa mga kababaihan ng FisherFolks na dinaluhan ng dalawampu’t anim (26) na kasapi. Kasabay nito, ipinahayag muna ng mga kadre mula sa rehiyon at probinsiya ang kahalagahan ng Adbokasiya, Pananaw, Ideolohiya, Kagandahang-Asal at ang Pagbuo ng Kooperatiba sa kanilang lugar na kung saan ang karamihan sa kanila ay pangingisda ang hanapbuhay. Tinalakay din sa naganap na pagpupulong kung ano ang angkop na kooperatiba ang nais na itayo base sa pangangailangan ng kanilang komunidad. Napag-alaman din sa isinagawa nilang pagsusuri sa pamayanan na karamihan sa mga kababaihan na kabilang sa fisherfolks ay walang hanapbuhay at umaasa lamang sa kita sa pangingisda. Upang magkaroon ng karagdagang pagkakakitaan ang kanilang pamilya, ay naisipan ng mga kababaihan na magtayo ng sariling kooperatiba para makatulong sa kanilang mga asawa at pamilya. Napagkasunduan ng mga kasapi na ang pangalan ng itatayong kooperatiba ay ang AAGAPAY BAGALIHOG COOPERATIVE.

Ayon sa ulat mula sa PPP-5, si Ka Ferdie, Ka Britz, at ang Kalihim Pangrehiyon na si Ka Kid Cortes ay naglunsad ng masusing pag-aaral o pagsusuri sa pamayanan sa mga kababaihan upang masuri ang kanilang kalagayan sa buhay sa Sitio Baga-lihog, Brgy Maingaran, Masbate City. Nagbigay din ng kaalaman sa Adbokasya at Ideo-lohiya kasama pati ang Kagan-dahang-Asal sa mga kababaihan ng Sitio Bagalihog, Brgy Maingaran, Masbate City noong ika-12 ng Setyembre 2009. Tinalakay din ang pagbubuo ng kooperatiba o Orga-nizational Development sa mga kababaihan.

Clarin

Noong ika-23 ng Setyembre 2009, ang Pamunuan ay nagpahayag ng Adbokasya sa mga kasapi ng Anislag–Cabog Multi-Purpose Cooperative na ginanap sa Brgy. Hall Cabog, Clarin. Nang sumunod na araw, ipinagpatuloy naman ito sa dalawa pang ko-operatiba sa magkaibang lugar, ang Biabas Multi-Purpose Cooperative at ang Canguha Multi-Purpose Cooperative.

Tawi-Tawi

Noong ika-22 ng Setyembre 2009, ang pamunuan ay nagbigay ng pag-aaral ng Adbokasya at Ideolohiya ng AAGAPAY na pinangunahan nina Ka Andy at Ka Morris sa mga pinuno ng Tawi-Tawi Bicol Association. Ang nasabing samahan ay pinamumunuan ni G. Joel Dimaiwat.

Zamboanga

Noong ika-23 ng Setyembre 2009, ang PPP 9 ay nagturo ng Adbokasya na pinangunahan ni Ka Jojo sa mga opisyales at kasapi ng Lakewood Farmers Multi-Purpose Cooperative at Lakewood Women’s Organization ng Brgy. Lakewood, Zamboanga Del Sur. Ito ay dinaluhan ni OIC Mayor Aldrik Mirrar at mga kasama. Nagsagawa din sila ng pagtuturo sa mga samahan ng mga dating NPA sa Tambulig ng Brgy. Poblacion, Tambulig, Zamboanga del Sur.

Noong ika-25 ng Setyembre 2009 ay nagbigay ng mga karagdagang pag-aaral tungkol sa AAGAPAY si Ka Boyet sa mga kawani, dagdag kapa-nalig, at mga nabuong organisasyon sa PPP-9. Dito ay tinalakay ni Ka Boyet kung papaano pa mapapaunlad ang bawat haligi ng AAGAPAY. Nagbigay naman si Ka Basit ng pag-aaral tungkol sa Filipino Muslim Culture at Mission of Islam sa Muslim Community ng Brgy. Galas, Muslim Center ng Dipolog City. Nagturo din sina Ka Jojo at mga kasama sa mga opisyales at kasapi ng Diplo Tribal Farmers Cooperative at Gusom Fisherman Organization ng Brgy. Diplo, Kumalarang, Zamboanga del Sur.

Noong ika-26 ng Setyembre 2009 ay nagturo sina Ka Raffy at Ka Nelson sa mga opisyales at kasapi ng PGBI, Municipal Chapter ng Brgy. Poblacion, Kalawit, Zamboanga del Norte. Si G. Regino Alegre na Presidente ng PGBI ay nagpahayag ng kanyang pagnanais na magkaroon ng isang kooperatiba sa kanilang samahan.

Aklan

Noong ika-13 ng Setyembre 2009 ay nagsagawa ng Pre-Membership Seminar sa Brgy. Poblacion, New Washington, Aklan na dinaluhan ng 54 kapanalig sa pangunguna ni Pastor Michael Baldesmo.

Tarlac

Noong ika-28 ng Setyembre 2009, sa ganap na ika-2 ng hapon, sa pangunguna ni Ka Bobby Mercado, siya ay muling naglatag ng Adbokasya at Pananaw ng AAGAPAY sa mga kasapi upang lalo nila itong yakapin at maitanim sa kanilang isipan kung ano ang adhikain at layunin ng AAGAPAY sa ating lipunan at sa ating bansa. Pagkatapos ng pagpapahayag ay nagkaroon ng malayang talakayan at eleksyon ng pamunuan ng Pansamantalang Panlalawigang Konseho ng Tarlac.

Antipolo

Nakipagkita muli ang Pansamantalang Kadre ng Rizal at Taga-Pangulo ng Lupon ng Patnugutan ng Tagbak Multi-purpose Cooperative na si Dr. Alfredo G. Paspe sa Antipolo Community Hospital, Brgy. San Roque, Antipolo City. Doon ay napag-usapan nila ang mga kaganapan hinggil sa AAGAPAY at ang kasalukuyang organisasyon na hinahawakan ni Dr. Paspe. Napagkasunduan din na pipiliin ni Dr. Paspe ang mga opisyales ng nasabing samahan upang makapagtalaga ng araw para sa pagsasanay ng Ideolohiya at Adbokasya ng AAGAPAY. Ipinagbigay alam din ng kapanalig sa Rizal na si Ka Jesus Castalone na naitalaga siya bilang isa sa mga opisyales ng samahang Anak ng Tanay Hane dahil sa kaniyang potensiyal at kakayahang mamuno ng samahan. Kaugnay nito, mas mapapadali para kay Ka Jesus ang pagpapalaganap ng Adbokasya ng AAGAPAY sa nasabing samahan.

Mindoro

Noong ika-23 ng Setyembre 2009, sa ganap na ika-10 ng umaga ay nagsagawa ng Pre-Membership Seminar of Cooperative ang Pamunuan at ito ay dinaluhan ng 28 kapanalig. Ito ay ginanap sa Cottage 6, Aroma Beach, Brgy. San Roque, San Jose, Occidental Mindoro, na pinangunahan ni G. Ruel Lucena, Cooperative Specialist II, CDA ng nasabing bayan. Ang naturang pagsasanay ay natapos sa ganap na ika-12 ng tanghali. Matapos ang PMES, sa ganap na ika-1 ng hapon, ang nasabing grupo ay nagsagawa ng isang botohan upang bumuo ng inisyal na mga opisyales sa naisapinal nilang pangalan ng kanilang kooperatiba, ang Kaunlaran Para Sa Lahat Agri-Based Cooperative, na nauna nang iniulat ng pamunuang ito na Kaunlaran Para sa Lahat Multi–Purpose Cooperative.

Samantala, ang PPP 4 ay patuloy ang kanilang pagpapalaganap ng Adbokasya ng AAGAPAY sa mga probinsyang kanilang nasasakupan. Noong ika-4 ng buwang kasalukuyan ay naisakatuparan ang kanilang layuning maibahagi sa iba’t-ibang samahan ang mabuting hangarin ng AAGAPAY para sa mamamayan. Ang mga kasapi ng Coconut Farmers sa Brgy. Mayatba, Famy, Laguna ang unang nabahagian ng pagsasanay na pinangunahan ng mga kasapi ng PPP-4 at ilang mga kapanalig. Sa pulong ay nagbigay ng kaalaman ang Pamunuan tungkol sa mga positibong proyekto na mapapa-kinabangan ng mga magsasaka at ng mga pamilya nito.

Sa Calapan City ay ang Masiglakas Association sa Brgy. Tawiran naman ang kanilang binahagian ng Adbokasya na ginanap sa NFA compound. Napag-usapan sa pulong ang mga panuntunan ng samahan at konsepto ng AAGAPAY.

Palawan

Ang Pansamantalang Pamunuan ng Palawan ay nagsagawa din ng pagsasanay hingil sa AAGAPAY sa mga nakatira sa Sitio Tagbarungis, Brgy. Inagawan Subdivision, Puerto Princesa City. Nagbahagi ang Pamunuan ng pagsasanay tungkol sa proyektong pangkabuhayan na ibibigay ni Pastor Romeo Villeza ng Jesus Christ Our Life Churc.

Samantala, ang Pamunuan ng Hilagang Quezon ay nagbahagi ng kaalaman hinggil sa Adbokasya ng AAGAPAY sa kanilang dating kapanalig na si G. Rudy Mantarin na tumiwalag dahil sa pansariling suliranin. Sa kanilang malawak na pagpapaliwanag ay nahikayat ng Pamunuan na muling sumapi si G. Mantarin at lumahok sa mga pagpupulong kasama ang mga kapanalig upang lubusan niyang mauna-waan ang Adhikain ng AAGAPAY.

Cagayan

Noong ika-25 ng Setyembre 2009, ang Pamunuan ng Cagayan ay nagsagawa ng pagtuturo sa Adbokasya ng AAGAPAY sa 20 kasapi ng Gon-zaga Hog Raisers Association na isinagawa sa opisina ng Department of Agriculture (DA) sa Gonzaga, Cagayan. Ito ay pinangunahan ni Ka Jessie at ng dalawa pang kasapi. Pagkatapos ng pagbibigay ng Adbokasya, si Gng. Nora Cuntapay, kinatawan ng Department of Labor and Employment (DOLE) mula Apari, Cagayan ay nagsagawa din ng Pre-membership Seminar sa nasabing asosasyon. Samantala, si Ka Joseph ng haligi ng ugnayan ay nagsagawa ng paglalatag ng Adbokasya ng AAGAPAY kay Barangay Chairman Perciano ng Brgy. Dagupan, Lallo, Cagayan.

Leyte

Noong ika-21 ng Setyembre 2009, ang Pamunuan ay nagsagawa ng pagsasanay sa Adbokasya ng AAGAPAY sa pangunguna ni Ka Virgilio Sida sa Brgy. Kanturing, Leyte na dinaluhan ng 10 kasapi ng 1st Southern Leyte Ready Reserve Batallion (1st SRRBN). Samantala, ang Pamunuan ng Eastern Samar ay nagsagawa rin ng pagsasanay sa Adbokasya na dinaluhan naman ng 24 na kasapi sa Eastern Samar. Nang sumunod na araw, ang Adbokasya ng AAGAPAY ay ipinahayag sa mga kapamilya ng mga sundalong nakabase sa Brgy. Rawis, Laoag, Northern Samar. Noon namang ika-23 ng Setyembre 2009 ay masigasig na nagsagawa muli ng pagsasanay sa Adbokasya ang pamunuan, sa pangunguna ni Ka Orbase sa mga kasapi ng ALVASI sa Brgy. Kinabranan, Zone-2, Allen, Northern Samar, at sa mga opisyal at kasapi ng Phillippine Guardians Brotherhood Inc., Rosario, Northern Samar. Nang araw ding iyon ay nagsumite ng kanta (rap composition) ang grupo ng Maulong Youth Organization na nakabase sa Brgy Maulong, Catbalogan, Samar. May titulo itong Kabataang AAGAPAY, na gustong iparinig sa gaganaping Regional Assembly na inisyal na itinakda sa ika-10 ng Oktubre 2009. Ang kantang ito ay isang paraan para madaling maunawaan ng mga kabataan ang Adbokasya ng AAGAPAY.

Noong ika-24 ng Setyembre 2009, ang Pamunuan ay nagpahayag ng Adbokasya sa mga kasapi ng ABC ng Bontoc, Sothern Leyte, sa pangunguna ni Ka Ataiza. Samantala, si Ka Romeo naman ang nagpahayag ng Adbokasya sa tatlong samahan ng mga magsasaka na nakabase sa Jiabong, Samar. Ang mga residente ng Brgy. Chitongco, Mondragon, Northern Samar, sa pangunguna ni Ka Orbase, ay nilatagan din ng Adbokasya na ginanap sa Day Care Center ng nasabing lugar.

Pampanga

Ang Pansamantalang Pamunuang Pangrehiyon-3 (PPP-3) ay nakipag-ugnayan kay LTC Angelito R Parawan ng 303 CDC, 3 RCDG, Army Reserve Command na nakabase sa Brgy. Sto. Domingo, Angeles City. Tinalakay sa pulong ang Adbokasya ng AAGAPAY na sinang-ayunan naman ng nasabing opisyal at nagpahayag na tutulong sa pagpapalaganap nito sa mga paaralang kanyang nasasakupan at sa mga kasapi ng Air Reserve Force na hawak niya. Magtatakda sila ng araw kung kailan maaaring maisagawa ang pagsasanay tungkol sa AAGAPAY. Samantala, ang Regional Government Center Tri-Wheeler Association (RGCTA) na may mga kasapi sa Brgy. Maimpis ay nabahagian din ng pagsasanay tungkol sa AAGAPAY. Sa pulong na dinaluhan ng 24 na katao ay naging maganda ang talakayan dahil sa palitan ng opinyon ng magkabilang panig. Naging maayos ang pagpapaliwanag ng mga Kadre ng Pamunuan kung kaya’t naging interesado ang mga nagsipagdalo sa magandang layunin ng AAGAPAY.

Bulacan

Ipinagpatuloy ang Immersion Program ng Kadre Class-4 sa pangunguna ni Ka Allan ng Pansamantalang Pamunuang Pangrehiyon-3 (PPP-3) na isinagawa sa Brgy. Graceville, San Jose Del Monte, Bulacan. Nauna munang nakipag-ugnayan ang Pamunuan sa kapitan ng barangay upang maisaayos ang pagdarausan. Ipinaalam din sa alkalde ng bayan na si Mayor Rey San Pedro ang kanilang layuning matugunan ang mga hinaing ng mga magsasaka.

Noong ika-30 ng Setyembre 2009 ay naisakatuparan na ang programa na dinaluhan ng mga sektor na kinabibilangan ng mga magsasaka na kaanib sa Bantay-Bayan Foundation, Senior Citizen, Youth, at Barangay Health Workers. Inimbita din ng Pamunuan ang dalawang kawani ng City Agriculture Office na sina G. Lauro Eugenio at Gng. Estella Castro, ang Head Agriculturist. Magkatuwang nilang binigyan ng pagsasanay tungkol sa backyard farming ang mga magsasaka at dininig ang kanilang mga hinaing. Kalauna’y namahagi ang mga ito ng libreng punla at mga buto sa mga magsasaka.

Quezon

Nagtungo noong ika-2 ng buwang kasalukuyan ang Pamunuan ng Timog Quezon sa Brgy. Rizal, Gumaca, Quezon upang maglahad ng Adbokasya ng AAGAPAY sa mga kabataang kasapi ng Para-ting Masipag sa pangunguna ng kanilang pangulo na si G. Nasty Vidal Jr. Sa pulong na isinagawa, ipinaunawa ng Pamunuan ang Adhikain ng AAGAPAY at ang hangarin nito para sa mga kabataan. Isa sa napagkasunduan ay ang pakikipagtulungan ng mga kabataan sa proyektong isasagawa na paglilinis sa Brgy. Maunlad ng Gumaca. Ang ganitong proyekto ng Pamunuan para sa kabataan ay bahagi ng isinusulong ng AAGAPAY na pangangalaga ng ating kalikasan.

Naga City

Noong ika-21 ng Setyembre 2009 ay nagsagawa ang Pamunuan ng pagpapalaganap ng Adbokasya ng AAGAPAY sa 15 kasapi na ginanap sa Sipocot at Naga City. Nang sumunod na araw naman ay ipinagpatuloy ang Adbokasya sa pangunguna ni Ka Daryl at dalawa pang kasama sa Catanduanes na dinaluhan ng 21 kasapi ng komunidad ng muslim na pinangungunahan ni G. Jumaril Tadial, habang ang ilang kasama ay nagsadya sa Purok 6, Bigaa, Legaspi City. Naging kabalikat nila doon ang 28 kasapi ng People’s Independent League.

Samantala, noong ika-26 ng Setyembre 2009, nagsidalo ang 50 kasapi ng ROTC Cadet sa Daet, Camarines Norte sa isinagawang Adbokasya ng Pamunuan. Ang bawat Adbokasya ay naging matagumpay. Hudyat ito ng mas lalong paglawak ng pagsusumikap ng pamunuang mabigyang tugon ang mabuting layunin ng AAGAPAY.

MOA sa pagitan ng AAGAPAY at Phil-Chinese Charitable Association Inc., nilagdaan



Nilagdaan ang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng AAGAPAY PPP 17 at Phil-Chinese Association Inc., may-ari at nagpapalakad ng Chinese General Hospital and Medical Center (CGHMC), noong ika-30 ng Hulyo 2009. Ang nasabing MOA ay naglalayong mabigyan ng medical assistance/service ang mga kasapi ng AAGAPAY na nasugatan, nagkasakit o nagkaroon ng karamdaman habang nagsisilbi para sa bayan.

Lumagda sa nasabing MOA sina Dr. James G. Dy, President & Chairman of the Board, Ka Robert T Almadin at Ka Gene Lim.

Kasunduan sa pagitan ng Culasi IFI Multi-Purpose Cooperative at PHILPHOS sa Iloilo, napag-usapan

Noong ika-15 ng Setyembre 2009, sa ganap na ika-10 ng umaga, ay isinakatuparan ang pormal na pag-uusap sa pagitan ng mga kinatawan ng Culasi IFI Multi-Purpose Cooperative na pinangunahan ni Fr. Eric De Julian ng Diocese of Iloilo ng Iglesia Filipina Independiente (IFI) at ni G. Ver Sanidad ng PHILPHOS na ginanap sa Ilo-ilo Grand Hotel, Iloilo City. Sa pangunguna ni Ka Lowell Sta. Maria at sa 3 pang kasapi, sila ay namagitan ayon sa napagkasunduang tulong at suportang pangkabuhayan ng mga kasapi ng magsasakang nasa ilalim ng itinatag na kooperatiba sa Brgy. Culasi, Ajuy, Iloilo.

Ang proyekto ng kooperatiba ay naglalayong makalikom ng 720 sako ng pataba sa halagang P646,000.00 na malugod na tinugon ng PHILPHOS. Ito ay napagkasunduan na babayaran sa dalawang hati. Ang kalahating halaga ay ibibigay sa unang paluwal ng pataba at ang natirang halaga ay babayaran sa panahon ng anihan.

Kaugnay nito, noon namang ika-17 ng Setyembre 2009, ang pamunuan ay pumunta sa Organic Demo Farm ng Federation of Free Farmers na tinatayang unang proyekto ng Kagawaran ng Agrikultura sa Brgy. Camambugan, Basalan, Iloilo. Ang nasabing komunidad ay may kakaibang uri ng paraan ng pagsasaka, ito ay tinatawag na organic fertilizer kung saan walang komersyal na pataba at pestisidyo. Sa katauhan ni G. Basea at Gng. Guillermo, mga tagapamahala ng iba’t ibang uri ng mga Post-Harvest Facilities, ayon sa kanila ay naibigay ng libre sa ilalim ng programang sakahan ng Kagawaran ng Agrikultura ang bodega, solar dryer, gilingan ng palay at artificial dryer na may kakayahang magpatuyo ng 120 sakong palay sa loob lamang ng 8 oras. Malaking kontribusyon ang kaalamang ibinahagi ni G. Modesto Aguilar, ang farm technician ukol sa proseso ng organikong pataba sa tradisyunal na paraan na hindi makakasira sa likas na anyo at taba ng lupang sinasaka.

AAGAPAY tumulong sa mga dating NPA

Noong ika-28 ng Setyembre 2009 ay nakipag-ugnayan kay Gobernador Maximo Dalog ng Mt. Province sina Ka Arsenio Binwag at Ka Edmund Gomultin upang talakayin ang proyektong pangkabu-hayang kanilang naitatag, ang Betwagan AAGAPAY Defenders Association (BADA), isang samahan na binubuo ng mga nagbalik-loob na NPA at pawang mga residente ng nasabing bayan. Resulta nito, ang nasabing gobernador ay nangako na magbibigay ng halagang dalawampung libong (P20,000.00) piso para sa pasimulang kapital na pambili ng mga biik para palakihin.

Samantala, noong ika-22 ng Setyembre 2009, sina Ka Jeam Aquino, Ka Romeo Torres, at limang (5) kapanalig sa pangunguna ni Ka Eliseo Puri, ay nagsagawa ng pulong na ginanap sa opisina ng Pamunuan ng Ilocos Sur upang mangalap ng mga dokumentong kakailanganin para sa itinatatag nilang kooperatiba na pinangalanang Ilocandia Savings & Credit Cooperative para maisumite sa tanggapan ng CDA. Ang kooperatiba naman ng Pamunuan ng Pangasinan na AMIGOS ay muling mamimili ng bigas na ibebenta sa murang halaga. Patuloy din sila sa pagsisikap na makapagtatag ng iba pang negosyong pagkakitaan tulad ng mini-grocery para sa pangunahing pangangailangan na ibebenta sa murang halaga lamang.






umAGAPAY sa mga biktima ng Bagyong Ondoy at Pepeng

Maituturing na bangungot para sa mga nasalanta ng Bagyong Ondoy ang ika-26 ng Setyembre 2009. Nakakalungkot mang isipin, marami ang binawian ng buhay at nawalan ng tahanan o ari-arian dahil sa mapaminsalang hagupit ng kalikasan. Kaugnay nito, hindi nagdalawang isip AAGAPAY na tumulong sa mga biktima ng bagyo. Namahagi sila ng mga pagkain, inuming tubig, damit at tumulong sa paglilinis ng mga tahanang lubog sa putik.

Mula nang mawala ang mapaminsalang bagyo, ginawang araw-araw ang relief operations ng AAGAPAY sa mga nasalantang lugar. Noong ika-27 ng Setyembre, nagtungo sila sa Ampid, San Mateo, Rizal. Samantala, noong ika-28 ng Setyembre ay nagtungo naman sila sa Santolan, Pasig at sa Purok 7, Phases 1 & 2, Brgy Malanday, Marikina City. Noong ika-29 ng Setyembre, ang AAGAPAY ay bumalik sa Santolan, Pasig upang tumulong sa paglilinis ng mga tahanan at sa San Isidro at Village East Cainta, Rizal upang mamahagi ng mga relief goods. Noong ika-30 ng Setyembre, kasama ang AAGAPAY Youth, nagtungo sila sa Tipas, Taguig kung saan namigay sila ng relief goods at nagpakain ng lugaw upang maibsan ang kumakalam na sikmura ng mga kababayan nating nasalanta ng bagyo.

Dahil sa sinimulang pagtulong ng AAGAPAY, naantig ang puso ng mga may-ari ng CJJC Loans and Assistance Center na sina G. at Gng. John Young. Kusang loob silang nagbigay ng mga relief goods na nagkakahalagang isang daang libong piso (Php100,000). Samantala, ang mga kasamahan nating sina G. Elmer M Mallorca and G. Lemuel M Alcaraz ng M.ICON (Men Integrated for Community Order and Nationalism) ay ipinagamit ang kanilang sasakyan (elf) para sa relief operations.

Noong ika-2 ng Oktubre, nagtungo ang AAGAPAY sa Brgy Malanday, Marikina, City upang ipamahagi ang mga relief goods na ibinigay nina G. at Gng. Young. Ipinagamit din ng Immaculate Concepcion Parish ang kanilang lugar upang maging maayos ang gawain.

Naging inspirasyon ng AAGAPAY ang kalagayan ng mga nasalanta sa Tipas, Taguig kaya’t noong ika-7 ng Oktubre, muling nagpakain ng lugaw ang PPP 17 sa mahigit 300 katao sa Malanday, Marikina sa pakikipagtulungan ng Mason Marikina Lodge No. 119. Kaugnay nito, noong ika-12 ng Oktubre, ang PPP 17, AAGAPAY Youth at Mason Marikina Lodge ay nagtungo sa Industrial Valley Complex, Marikina upang mamahagi ng mga relief goods at mga bagong t-shirts sa halos 200 katao na naapektuhan ng bagyo.

Tunay na masarap ang pakiramdam ng makatulong sa kapwa lalo’t higit kung ang pagtulong ay bukal sa puso. Nabuhay ang kaugaliang Pilipino – ang bayanihan at sa pamamagitan nito, napatunayan natin na sa pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan, mas madali tayong makakabangon sa anumang hamon.


PROGRAMANG PANGKASANAYAN

Pagtuturo ng Salita ng Diyos

Noong ika-24 ng Setyembre 2009, ang Pamunuan ay nagkaroon ng pag-aaral sa mga nilalaman ng Bibliya tungkol sa Pagbibinyag sa Tubig. Ito ay pinangunahan ni Pastor Sarcon at dinaluhan ng mga kasapi ng nasabing Pamunuan. Nang sumunod na araw ay pinanood nila ang video tape ni Ka Eli Soriano na pinangunahan ni G. Valenti Villaflor ng Church Of God. Nagsagawa naman si Ka Raffy ng pag-aaral sa mga kawani ng Office of Muslim Affairs sa Ipil, Zamboanga. Noong ika-27 ng Setyembre 2009, si Rev. Fr. Beltran Patanagan, ang pari sa Brgy. Galas Roman Catholic Church, Dipolog City ay nagpahayag ng Spiritual Enlightment sa mga kasapi na nakabase sa Zamboanga de Sur.

Pre-Membership Education Seminar

Noong ika-31 ng Agosto 2009, Si Ka Tito, Ka Nick, at Ka Constante, kasama sina Ginang Fe Laud at Araceli Lakandula mula sa Cooperative Development Authority (CDA), ay nagsagawa ng Pre-membership Education Seminar sa mga kasapi ng Mt Apo Highland Farmers Multi Purpose Cooperative.

Samantala, noong ika-13 ng Setyembre 2009 ay nagsagawa ng Pre-Membership Seminar sa Brgy. Poblacion, New Washington, Aklan na dinaluhan ng 54 kapanalig sa pangunguna ni Pastor Michael Baldesmo.

Noong ika-23 ng Setyembre 2009, sa ganap na ika-10 ng umaga ay nagsagawa ng Pre-Membership Seminar of Cooperative ang Pamunuan at ito ay dinaluhan ng 28 kapanalig. Ito ay ginanap sa Cottage 6, Aroma Beach, Brgy. San Roque, San Jose, Occidental Mindoro, na pinangunahan ni G. Ruel Lucena, Cooperative Specialist II, CDA ng nasabing bayan. Ang naturang pagsasanay ay natapos sa ganap na ika-12 ng tanghali. Matapos ang PMES, sa ganap na ika-1 ng hapon, ang nasabing grupo ay nagsagawa ng isang botohan upang bumuo ng inisyal na mga opisyales sa naisapinal nilang pangalan ng kanilang kooperatiba, ang Kaunlaran Para Sa Lahat Agri-Based Cooperative, na nauna nang iniulat ng pamunuang ito na Kaunlaran Para sa Lahat Multi–Purpose Cooperative.

Pagsasanay sa Paggawa ng Organikong Pataba

Samantala, noong ika - 5 ng Setyembre 2009, sa pangunguna ni Ka Teofilo Pescones at Ka Ricardo Mabale, ay nagsagawa ng isang pagsasanay tungkol sa paggawa ng organikong pataba na ginanap sa Clarenzon Marketing Plant ng Brgy. Mambatangan, Manolo Fortich, Bukidnon. Ang nasabing pagsasanay ay magtatapos ng hanggang labing limang (15) araw.

Seminar para sa Transport Cooperative

Nagkaroon ng seminar noong ika-29 ng Agosto 2009 sa pagpapatakbo ng Transport Cooperative. Ito’y dinaluhan ng 20 kapanalig (multi-sectoral group) ng South Cotabato. Ang nasabing aktibidad ay isinakatuparan at itinuro ng resource speaker na nanggaling sa CDA. Sa kasalukuyan ay isinasayos pa ng mga kasapi ang mga kailangan para makapagparehistro sa CDA.

Pagsasanay sa Bookkeeping/Accounting

Noong ika-8 ng Setyembre 2009 sa ganap ika-8 ng umaga hanggang ika-5 ng hapon, ang mga halal na pinuno ng AAGAPAY Chapter sa lalawigan ng Kalinga (Mula sa grupo ng Kalinga Small Ruminants Raisers Association (KASRRA) ay ipinagpatuloy ang paglahok/pagsasanay sa Bookkeeping and Accounting Seminar na hatid ng CDA at ng Provincial Cooperative Development Office (PCDO) na ginanap sa GOLDEN BERRIES HOTEL, Brgy San Juan, Tabuk, Kalinga. Ang nasabing pagsasanay ay matatapos sa ika-11 ng Setyembre 2009.

Pagsasanay sa Paggawa ng Sabon

Ang Pamunuan ng Batangas ay nagturo ng proseso sa paggawa ng liquid soap na pinangunahan nina Ka Christopher Santoyo at Ka Arnel Villena. Ang proseso ng nasabing paggawa ay unang itinuro ni G. Jerry Monde sa nasabing Punong-Kadre at sa mga kasapi ng Secretariat nito. Pinag-usapan din nila kung paano ito ipamamahagi sa mga target na mamimili, sa mga kasapi ng pamunuan, at sa kanilang pamilya.

Samantala, noong ika-21 ng Setyembre 2009 ay nagsagawa ang pamunuan ng pagsasanay sa Soap Making sa loob ng kanilang himpilan sa Bancasi, Butuan City na dinaluhan ng kanilang mga kasapi. Isa ito sa pangunahing negosyo ng kanilang kooperatiba. Marami ang nagka-interes sa negosyo at nakagawa na sila ng dalawang uri ng sabon, isang pampagandang herbal at isang Germicidal na sabon.

Pagsasanay sa Pag-aalaga ng Dory Fish

Noong ika-18 ng Setyembre 2009, ang pamunuan ay nagkaroon ng pagsasanay tungkol sa Dory Fish (Pangassius) Raising sa Mt. Kitanglad Hall na pinangunahan ni Imee Chun at tatlong kasamahan mula sa Vitarich Corporation. Bago ang naturang pagsasanay ay tinalakay muna ni Ka Riva ang tungkol sa Adbokasya ng AAGAPAY. Ang naturang pagsasanay ay tumatalakay kung paano palaguin ang palaisdaan at maparami ang Pangassius dito. Nagkaroon din ng libreng patikim sa mga dumalo mula sa produkto ng Pangassius. Ito ay dinaluhan ng 38 kasapi ng PPP-21 at ng iba pang mga kasapi sa Pambansang Pamunuan ng AAGAPAY. Pagkatapos ng pagsasanay ay nagkaroon ng tradisyunal na ‘boodle fight’ at ang namuno sa pagsasanay ay nagbenta ng mga produkto ng Pangassius Fish sa mga nagsipagdalo.

Kasanayan sa Pagpapalaki ng Baboy

Noong ika-08 ng Oktubre 2009 ay nagkaroon ng pagsasanay tungkol sa pagpapalaki ng baboy na ginanap sa Municipal Hall ng Pigkawayan. Ang nasabing kaganapan ay pinangunahan nina Dr. Jonathan Gumayagay (kinatawan ng Provincial Hog-Raising Industry at taga-payo ng Brave-Health Farm) at Boy Dapal (Hog Raiser Organizer sa North Cotabato at Municipal Agriculture Technician ng Pigcawayan, Cotabato). Kanilang itinuro ang New Packaged Technologies on Hog-Raising and Fattening Industry. Ito ay dinaluhan ng 60 katao na kinabibilangan nina Ka Monching at Ka Eduardo Amor Jr.